149
Sonny-Angara
By

Overstock, expired na gamot ng DOH, iimbestigahan ng Senado

Tinutulak ni Senador Sonny Angara ang pagpapaimbestiga sa napaulat na pag-overstock ng mahigit P18 bilyong halaga ng gamot ng Department of Health (DOH) sa kanilang mga warehouse.

Ayon kay Angara, chairman ng Senate finance committee, naghain siya ng Senate Resolution No. 53 na humihiling na siyasatin ang alegasyon batay sa 2018 Commission on Audit (COA) report sa DOH.

Sa report ng COA, sinabing bumili ang DOH ng mga gamot na nagkakahalaga ng P18 bilyon subalit naka-stock lang ang mga ito sa kanilang warhouse at ang ilan ay malapit nang mag-expire.

“The DOH’s wastage of millions worth of medicines is becoming like dengue, it has become an annual thing,” sabi ni Angara.

“And to think, many Filipinos for lack of money can’t buy medicine or are undermedicating themselves. And then they read reports about drugs in some government warehouses going to waste,” saad pa nito.

Pangunahin umanong babalatan sa pagdinig sa panukalang 2020 DOH budget ay ang kadalasang problema hinggil sa hindi pamamahagi at pag-expire ng mga gamot na binili ng ahensiya mula sa mga pharmaceutical companies.

“Maghanda na sila ng prescriptions. Diagnose the problem and come up with solutions. Kung constipated ang drug distribution system, then what is the laxative?” tanong ni Angara sa mga opisyal ng DOH.

“Is it a question of overprescription or the prescription of the wrong drugs? Ang national order form ba based on needs or supplier-driven? Saan ba ang bara sa distribution?” dagdag pa nito.

Nadiskubre din ng COA na may P30.35 milyong halaga ng gamot at medical supplies na nakatago sa iba’t ibang ospital at centers for health and development ang expired na.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?