8
views
arrested
By

Overstaying na missionary worker mula sa Zimbabwe, dinakip ng BI

Sharing is caring!

Nagpaliwanag ang Bureau of Immigration (BI) sa pagkakaaresto sa isang Zimbabwean missionary na si Tawanda Chandiwana ng United Methodist Church.

Ayon kay BI Spokesperson Dana Krizia Sandoval, overstaying na sa Pilipinas si Chandiwana at natuklasan din na nakikiisa umano ito sa mga aktibidad sa bansa na may kinalaman sa pulitika.

Kinumpirma rin ni Sandoval na noon pang May 9 naaresto sa Toril, Davao si Chandiwana sa bisa ng mission order na inisyu ni Commissioner Jaime Morente.

Lumabas umano sa inspeksiyon na noon pang April 6 nagpaso ang missionary visa ni Chandiwana at inamin din nito na noon pa siyang October 2016 nagsimula sa kanyang trabaho sa Pilipinas pero noong 2017 lamang kumuha ng visa.

Katunayan, nasa blacklist na rin umano si Chandiwana ng BI dahil sa pagiging overstaying alien at pakikiisa sa mga aktibidad ng mga maka-kaliwang grupo.

Dahil dito, nahaharap na si Chandiwana sa deportation case at siya ay ipatatapon na palabas ng bansa sa oras na maisumite na ang kanyang NBI Clearance.

Samantala, kaugnay naman sa estado ng dalawang iba pang dayuhang Methodist missionary na sina Adam Thomas Shaw, isang Amerikano at Miracle Osman na mula sa Malawi, sinabi ni Sandoval na pareho na silang pinaalis sa Pilipinas.

Nanabtid na noong pang Abril 26 nagpaso ang missionary visa ni Shaw na inaakusahan ding nakikisa sa mga aktibidad ng mga maka-kaliwang grupo.

Si Osman naman ay nasa watchlist na ng BI noon pang March 12 at noon pang June 18 pinaalis sa Pilipinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?