43
views

By

Oversight committee binuo para sa 3rd telco player

Sharing is caring!

Bumuo si Pangulong Rodrigo Duterte ng oversight committee para mangasiwa sa pagpasok ng third telecommunication player sa bansa.

Sa pamamagitan ng Administrative Order No. 11 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Abril 6, iniutos nito ang pagbuo ng Oversight Committee for the Entry of New Major Player in the Public Telecommunications Market.

Ang binuong komite ng Pangulo ang titiyak para maging maayos at transparent ang pagpasok ng bagong telco player.

Ang oversight committee ay pangangasiwaan ng mga kinatawan mula sa Department of Information and Communications Technology (DICT) na siya ring magiging chairperson; Department of Finance, na aaktong vice chairperson; Office of the Executive Secretary, at National Security Adviser.

Kabilang sa mga pangunahing tungkulin ng oversight committee ay ang pagtulong sa National Telecommunications Commission (NTC) sa pagbalangkas ng Terms of Reference (TOR) at pagtatakda ng radio frequencies para sa bagong telco player at para matiyak na sumusunod sa probisyon ng TOR.

Ang oversight committee rin ang titiyak kung naipatupad sa takdang panahon ang proyekto alinsunod sa timelime na itinakda ng DICT at NTC.

Matatandaang hindi naabot ang target na makapasok ng Marso ang ikatlong telco player pero tinitiyak ng Duterte administration na makakapasok ito sa loob ng taong ito para mabuwag ang duopoly ng Globe at Smart na nagbibigay ng mahinang serbisyo ng internet connection sa milyon-milyong subscribers.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?