43

Oct 28, 2017 @ 12:02

Overseas voters’ registration, simula na

Inanunsiyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) na maaari nang magparehistro para sa 2019 national elections ang mga Filipino na nakatakdang magtungo sa ibang bansa.

Nagtalaga ang DFA-Overseas Voting Secretariat ng pitong lugar kung saan maaaring magparehistro para sa overseas voting hanggang Setyembre 30 ng susunod na taon.

Ang naitalagang mga overseas voter registration centers ay sa DFA-Satellite Office sa Robinson’s Galleria, DFA-Satellite Office sa SM Manila, DFA-Satellite Office sa Alabang Town Center, Commission on Filipino Overseas sa Osmeña Highway, Manila; OWWA Training Center sa Intramuros, Manila; Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa Mandaluyong City at Maritime Industry Authority sa Kalaw, Manila.

Ang mga Filipino na inaasahang magtutungo sa ibang bansa mula sa overseas voting period, mula Abril 13 hanggang Mayo 13, 2019, at may edad 18 pataas ay maaaring magparehistro para makaboto sa mga Philippine Foreign Service Posts sa ibang bansa. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?