47

Dec 23, 2017 @ 18:25
By

Overseas Filipino Bank tuloy ang pagbubukas sa 2018

Ilang dokumento na lang ang hinihintay ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para sa pagbubukas ng Overseas Filipino Bank (OFB) sa Pebrero 2018.

Nabatid na inaprubahan na ng BSP ang pagbili ng Land Bank sa Philippine Postal Bank na gagawing Overseas Filipino Bank.

Ayon kay Philippine Competition Commission Chair Arsenio Balicasan, natanggap na nila ang mga dokumento mula sa Land Bank hinggil sa pagbili sa Postal Bank at ang mga ito ay kailangan nilang suriin sa loob ng 30 araw.

Inaasahan naman na sa Dubai, United Arab Emirates bubuksan ang unang sangay ng OFB bagama’t ang punong tanggapan nito ay mananatili sa Liwasang Bonifacio, Maynila.

Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbubukas ng OFB para may bangko na tanging magsisilbi sa mga pangangailangan ng mga overseas Filipino worker (OFW).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?