32

By

Overseas absentee voters, pumalo sa 1.7M – Comelec

Kinumpirma ni Commission on Elections (Comelec) Spokesman James Jimenez na umaabot sa 1.7 milyon na mga Filipino sa abroad ang nagpatala para sa overseas absentee voting.

Ayon kay Jimenez, may dalawang paraan para makaboto ang mga rehistradong overseas absentee voters.

Ito aniya ay ang personal o ang pagtungo ng mga botante sa konsulada o embahada ng Pilipinas at ang postal voting o maaaring ipadala sa koreyo ang kanilang mga balota.

Ang pamamaraan naman aniya ng pagbibilang ng mga boto sa overseas voting ay maaaring manual o di kaya ay sa pamamagitan ng vote-counting machine.

Kinumpirma ni Jimenez na ang Middle East pa rin ang may pinakamalaking bilang ng overseas voters.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?