23
leni2
By

‘Out of goodwill’ statement ng China, parang sampal – VP Leni

Sharing is caring!

Sinabi ni Vice President Leni Robredo na malaking insulto sa Pilipinas at sa mga Filipino ang naging pahayag ng isang opisyal ng gobyerno ng China ukol sa pambu-bully diumano ng Chinese Coast Guard sa mga mangingisdang Filipino.

“Pakiramdam ko malaking sampal iyon sa atin, malaking insulto kasi bakit ka kailangan humingi ng permiso sa pangingisda sa sarili mong (karagatan), sa pag-aari ng ating bayan,” ang sabi ni Robredo.

Sa isang press conference kahapon sa Beijing, China sinabi ni Chinese Foreign Ministry Spokesman Geng Shuang na ‘out of goodwill’ ang pagpayag na makapangisda ang mga Filipino sa Scarborough Shoal.

Paglilinaw naman ni Robredo na hindi naman kailangan na makipagdigma ang Pilipinas sa China, giit lang niya ay dapat mas magkaroon ng matinding paninindigan ang gobyerno ukol sa sinasabing panggigipit sa mga mangingisdang Filipino.

Sinabi din nito na kailangang higpitan ang pagpapatrulya sa ating teritoryo matapos ibunyag ni Magdalo Rep. Gary Alejano na ipinatigil na ng Malakanyang sa AFP ang pagbabantay sa mga inaangkin na bahagi ng Pilipinas sa rehiyon.

“Whatever it is, kailangang palakasin kasi hindi lang ito para sa mga mangingisda kundi para sa ating lahat, para sa mga generation na will come after us,” dagdag pa ni Robredo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?