71

Jun 30, 2019 @ 14:50
By

Out na sa World Cup: Edu napuruhan ang tuhod

Hindi na matutunghayan ang twin towers sana ng Gilas sa pagka-injure ni AJ Edu, garahe na sa buong 2019 Fiba U19 World Cup.

Lampas dalawang minuto pa lamang sa laban ng Gilas Youth kontra Greece, bumagsak ang Fil-Nigerian habang pa-drive at napakapit sa kanyang tuhod, kailangang akayin patungong dugout at kitang hindi maitapak ang paa.

Saad sa injury report, ACL at meniscal tear ang ininda ng 19-anyos, mayroon ding nakitang maliit na bali sa femur ng binata.

“AJ Edu suffered an anterior cruciate ligament and meniscal tear on his right knee with hairline fracture on his right femur bone, based on the MRI images read by the radiologist,” ayon kay Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) Special Assistant to the President Ryan Gregorio sa inisyal na pagsuri ng therapist.

“The official results will be released on Monday once the hospital’s orthopedic doctor read and reviewed the MRI Images of AJ Edu’s knee. We also requested the orthopedic doctor here at Fiba to check on AJ tomorrow,” saad pa sa report.

Nagpaabot naman ng suporta si SBP President Al Panlilio sa dinanas ng prized ward.

“I sent him a message that the SBP is committed to help him get through the ordeal and we are behind him all the way. We will help him with whatever he needs,” saad ni Panlilio.

Malaking kawalan ang 6-foot-10 na si Edu, magiging ka-tandem sana si Kai Sotto sa frontlines ngunit sasandig sa natitirang big man na sina Geo Chiu at Carl Tamayo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?