241

Jan 31, 2020 @ 17:43
By

#OustDuterte: Pagtugon ng PH gov’t sa nCoV kinainisan

Sana maramdaman ni Pangulong Rodrigo Duterte ang galit ng taumbayan, ayon sa mga netizen, gayong nangunguna ngayong Biyernes ng hapon sa Twitter Philippines ang “#OustDuterte”.

Nababagalan kasi sila sa pagresponde ng gobyerno hinggil sa novel coronavirus (2019-nCoV) mula Wuhan, China.

Ilan sa mga binatikos ng mga netizen ang pulong ng gobyerno tungkol sa 2019-nCoV na gaganapin sa susunod na linggo, ayon kay Senador Bong Go, ang kapapatupad pa lang na travel ban ng mga manggagaling sa Hubei Province, at ang pagpapamadali ni Senador Dick Gordon na ipadala ang 3.17 milyong piraso ng face mask sa Wuhan, China mula Mariveles, Bataan.

Maraming nakiisa sa online campaign na ito, maging mga blogger na sina Tonyo Cruz, Noemi Dado, Ederic Eder, at Francis Baraan IV.

Sa ngayon, Enero 31, 2020, may isang nagpositibong kaso at 56 pasyenteng binabantayan na posibleng magpositibo sa 2019-nCoV sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?