46

Feb 12, 2020 @ 10:22
By

Oubre naiwan ng bus, Suns nalaos vs Lakers

Kulang na nga sa tao, hindi pa kumpleto ang buong team ng Phoenix Suns pagdating ng Staples Center para harapin ang Lakers nitong Lunes.

Wala si Kelly Oubre Jr., hindi nakasama sa teammates.

Ang dahilan: Naiwan siya ng team bus.

Walang binigay na dahilan ang koponan, pero hindi raw nakasabay si Oubre. Paalis na ang bus sa kanilang hotel ay wala pa siya kaya iniwan na.

Nakahabol si Oubre pero hindi na pinag-start ni coach Monty Williams.

Off the bench, umiskor ang forward ng 10 points at nabaon ang Suns sa Lakers 125-100.

Si Cheick Diallo lang ang big ng Phoenix, injured si Deandre Ayton (left ankle) sa talo sa Denver noong Sabado.

May mga iniinda rin sina Dario Saric at Aron Baynes.

Nag-start kahalili ni Ayton, nagsumite si Diallo ng 15 points pang-ayuda sa 18 ni Mikal Bridges.

May tig-13 sina Jevon Carter at Ricky Rubio.

Ipinagtulakan ng Lakers ang Suns sa rebounds (59-29) at points in the paint (58-38).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?