62

Mar 27, 2020 @ 1:13
By

OTWOL ng JaDine mahal pa rin ng mga fans

Kahit ilang taon nang nagwakas ‘On the Wings of Love’ ng dating reel and real couple na sina James Reid at Nadine Lustre, pinatunayan ng kanilang fans na mahal pa rin nila ang teleseryeng naging daan lalo sa pag-iibigan ng dalawa.

Trending ang #OTWOLKasalKasalan2020 makaraaang muling ibalik ng ABS-CBN sa primetime ang nasabing serye, gayundin ng iba pang dating show dahil hindi makapag-taping ang mga kasalukuyang teleserye dahil sa umiiral na enhanced community quarantine.

Kahit pa August 2015 ito pinalabas at nagwakas ng February 2016, kilig pa rin ang mga fans sa eksena ng JaDine:

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?