60
Otso Diretso sa Comelec: Debate ang atupagin niyo, hindi illegal posters!
By

Otso Diretso sa Comelec: Debate ang atupagin niyo, hindi illegal posters!

Tinawag ng mga kandidato sa pagka-senador ng Otso Diretso na “mahina” ang Commission on Elections (Comelec) matapos hindi pagbigyan ang hinihiling nila na debate dahil sa kakulangan na umano ng oras.

Una nang sinabi ni Comelec Chairman Sheriff Abbas na wala nang sapat na oras para mag-organisa pa ng debate na kabibilangan ng may 62 kandidato sa pagka-senador.

“That only shows the weakness of the Comelec. Napakahina naman ng ating Commission on Elections para hindi ‘yan gawan ng paraan,” banat ni Romulo Macalintal.

Dagdag naman ni dating Solicitor General Florin Hilbay, kaysa sayangin umano ng poll body ang oras nito sa paghahanap ng mga illegal campaign material ay dapat gawin nito ang trabaho na mabigyan ng impormasyon ang mga botante bago ang eleksiyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?