71
Otso Diretso pumalag sa pagbasura sa hirit nilang debate
By

Otso Diretso pumalag sa pagbasura sa hirit nilang debate

Kanya-kanyang sentimyento ang mga senatoriable ng Otso Diretso sa pagbasura ng Comelec sa hirit nilang debate laban sa mga katunggali sa politika.

Nitong Biyernes inanunsiyo ni Comelec spokesperson James Jimenez na ibinasura ng Comelec en banc ang hiling na debate ng Otso Diretso dahil sa ilang mga isyu at kakulangan ng panahon.

Ani dating Deputy Speaker Erin Tañada, maaari naman umanong mag-organisa ng debate ang Comelec kung gugustuhin nito.

Samantala, maliwanag umanong pag-aabandona sa tungkulin nito na magsagawa ng patas, malaya at tapat na eleksiyon ang pagbasura ng Comelec sa debate, ayon kay dating Solicitor General Florin Hilbay.

Malinaw din aniya na meron pang panahon para magkaroon ng debate dahil may dalawang buwan pa bago ang eleksiyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?