193

Feb 7, 2019 @ 17:37
By

‘Otso Diretso’ mangangampanya na sa Caloocan, Naga

Sisimulan na umano ng opposition senatorial slate na “Otso Diretso” ang pangangampanya nito sa Pebrero 12.

Kinabibilangan ang “Otso Diretso” nina Magdalo Rep. Gary Alejano, Senator Bam Aquino, human rights lawyer Chel Diokno, civic leader Samira Gutoc, dating Solicitor General Florin Hilbay, election lawyer Romulo Macalintal, dating Interior Secretary Mar Roxas at dating Deputy Speaker Erin Tañada.

Magbabahay-bahay umano ang mga ito sa South Caloocan bago ang pagtitipon ng mga volunteer sa San Roque Cathedral sa A. Mabini Street.

Samantala, isang misa umano ang dadaluhan nila bago magtungo sa Naga City sa Pebrero 13.

Dadalo umano ang mga kandidato sa student dialogue sa Camarines Sur Polytechnic College at manananghalian kasama ang mga opisyal ng Iriga City saka magsasagawa ng kick-off rally.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?