265

By

Otso Diretso kay Sara Duterte: Hindi ka naman kandidato!

Tablado ang hamon na debate ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio laban sa buong senatorial slate ng Otso Diretso.

Ito’y matapos mabasura ang hiling na public debate ng Otso Diretso ng Comelec dahil umano sa kawalan ng oras at lugar.

Anang dating kongresista na si Erin Tañada, hindi naman umano ang alkalde ang kandidato at ang dapat daw ay ‘yung tumatakbo sa ilalim ng Hugpong ng Pagbabago (HNP).

Ganito rin ang sinabi ni dating Solicitor General Florin Hilbay.

Aniya, ang gusto nilang makadebate ay iyong kalebel nilang tumatakbo sa Senado.

Para naman kay Marawi civic leader Samira Gutoc, dahil nagiging tagapagsalita si Mayor Sara ng HNP, ang dapat nitong hamunin ng debate ay ang campaign manager ng Otso Diretso na si Senador Francis “Kiko” Pangilinan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?