1,434
mia b billones
May 6, 2019 @ 14:17
By

Otso Diretso inendorso ng obispo

Lantarang inendorso ng isang obispo ang mga kandidato ng Otso Diretso sa nalalabing huling pitong araw na kampanya para sa national at local elections sa Lunes.

Ipinakilala at hiniling ni Novaliches Bishop Antonio Tobias sa mga mananampalataya na suportahan ang mga kandidato ng oposisyon nang bumisita sa Visitation of Our Lady Parish ang mga pambato nila sa pagka-senador na sina Chel Diokno, Samira Gutoc, Romy Macalintal, Erin Tañada habang may mga kinatawan naman sina Gary Alejano, Bam Aquino, Pilo Hilbay at Mar Roxas.

Sinabi ng obispo ang kahalagahan ng pakikiisa ng mga Katoliko sa eleksyon upang makapamili ng mga taong maayos na makakapamahala sa gobyerno.

“Hindi po totoo ‘yung ‘pagka Katoliko ka ay hindi ka na dapat ma-involved. No, that’s wrong, very, very wrong! Ang Santo Papa na ang nagsabi sa isang general audience sa Roma na ‘You have to be involved so that you allow those who can govern to govern properly’,” ani Tobias.

Pabiro pang itinanong ni Tobias kung bakit otso lang ang mga kandidato ng oposisyon at hindi pa kinumpletong 12.

Ang Quezon City ang may pinakamalaking bilang ng mga botante sa Metro Manila na umaabot sa 1,150,342 ayon na rin sa datos ng Commision on Elections noong 2016.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?