259

Dec 4, 2018 @ 10:43
By

Otis bridge sa Paco Manila muling binuksan

Pinangunahan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang muling pagbubukas ng Otis bridge sa Paco Manila ngayon.

Isinara ang Otis bridge noong June 26, 2018 para sa reconstruction matapos magkaroon ng “progressive collapse” na naging banta sa seguridad ng mga motorista.

Naglaan noong 2015 ng P37 milyon para sa pagpapatayo ng naturang tulay, ito ay upang mapalitan ang itinayo noong 1968.

Dinaluhan nina DPWH Secretary Mark Villar, at MMDA General Manager Jojo Garcia ang naturang inagurasyon ng newly-reconstructed Otis bridge..

Nagkaroon ng ribbon cutting at misa sa naturang inagurasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?