81

By

OT win itinakas ng Meralco kontra Phoenix, abante sa semis

Sharing is caring!

May tsansa pang makabalik sa PBA finals ang Meralco Bolts matapos makaeskapo ng dalawang magkadikit na panalo kontra Phoenix Fuel Masters, 108-103, sa 2018 PBA Governors Cup.

Tambak ng 16 puntos ang Meralco, ngunit nagawa pa rin nitong manalo sa overtime.

Haharapin ng Bolts ang Alaska Aces sa PBA semifinals sa best-of-five match tangan ang six-game winning streak.

Nambarako si two-time Best Import awardee Allen Durham na kumolekta ng 30 puntos, 20 rebounds at siyam na assists.

Si PBA Rookie of the Year contender Jason Perkins ang nagpapasok sa overtime ng ipasok ang tres, 7.4 segundo ang natitira para sa Phoenix Fuel Masters.

Ngunit pagpasok ng extra period, wala nang nakapigil kay Baser Amer na nagpakawala ng dalawang sunod na tres, at tumapos ng 26 puntos.

“What a hill we climbed to get into this point,” saad ni Meralco coach Norman Black. “It’s almost like every game for the last three weeks have been pressure-laden. There was really no room for error as far as our execution on offense and defense.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?