53
ABANTE criminal case saln Chief Justice Sereno
By

OT pay, allowance ng mga staff ni Sereno, sisisilipin sa SC en banc

Sharing is caring!

Tatalakayin na rin maging ang regularidad ng claim para sa overtime, meal allowance at iba pang gastusin ng staff ni Chief Justice on leave Maria Lourdes Sereno.

Ngayong araw na ito, nakatakdang talakayin ng Supreme Court En Banc ang memorandum mula kay Atty. Corazon Ferrer-Flores, hepe ng Fiscal Management and Budget Office ng Korte Suprema, na humihiling sa En Banc na desisyunan kung aaprubahan ba ang claim para sa overtime at allowances ng mga assisting staff, driver at security personnel ni Sereno.

Sa memorandum ni Flores, ipinunto nito na pangunahing prinsipyo sa government accounting at auditing na ang pondo ng gobyerno ay dapat na inilalaan lamang para sa pampublikong layunin.

Dahil dito, kung ang myembro ng korte ay naka-leave of absence at hindi pumapasok sa trabaho, ang kanyang coterminous personnel ay hindi rin umano dapat bayaran para sa overtime service.

Isinumite ni Flores ang memorandum na naka-pangalan kay Acting Chief Justice Antonio Carpio matapos na mag-isyu ng certification ang Judicial Staff Head ng Office of the Chief Justice na si Atty. Czarina Samonte-Villanueva, na humihirit ng kabayaran para sa overtime pay at allowances ng mahigit tatlumpung assisting staff, driver at security personnel ni Sereno.

Ang kahilingan ay para sa serbisyong inilaan ng mga staff ni Sereno mula March 1 hanggang March 31, 2018, mga panahon na si Sereno ay naka-indefinite leave na.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?