130

Mar 27, 2020 @ 21:35
By

Ospital sa Subic Bay Freeport may pasyenteng COVID positive

SUBIC BAY FREEPORT- Kinumpirma ng isang pribadong pagamutan sa loob ng Freeport na mayroon silang pasyente na positibo sa kaso ng coronavirus disease (COVID-19) na nasa kanilang pangangalaga.

Sa isang pahayag, sinabi ng Allied Care Experts Medical Center-Baypointe na ang pasyente ay nasa kondisyon na at wala pa silang pwede ibigay na detalye tungkol sa pasyente.

Ayon pa sa pamunuan bg ospital, ang pasyente ay nasa listahan na sa ilalim ng PUI bago pa man makarating sa nasabing ospital.

Sinabi din nito na ang lahat ng kawani ng ospital na nangangalaga sa pasyente ay nagsasagawa ng mahigpit na mga hakbangin para makaiwas ang pagkahawa sa impeksyon kasabay ng pagsusuot ng kompletong proteksyon at kagamitan.

Samantala nagpalabas na din ang Zambales Health Office ngayong gabi sa pangunguna ni Provincial Health Officer Noel C. Bueno, at sinabi na ang pangalawang Covid-19 patient ay nasa 70 taong gulang na babae at isang Fil-American na balikbayan sa bayan ng Cabangan Zambales mula sa Washington USA na dumating noong Marso 14 at may sintomas na ng sipon, ubo at lagnat.
Kinumpirma din ni Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Chairman and Administrator Atty. Wilma Eisma na mayroon na ngang positibong pasyente na may kaso sa COVID-19 sa ospital ng Baypointe.

“Kami ay nalulungkot sa natanggap naming balita na ang isang tao na nasa ilalim ng (PUI) na nandito sa Baypoint Hospital sa loob ng Subic Bay Freeport ay nagpositibo matapos itong makunan ng sample na nagpapatunay na dalawa na ang kumpirmadong positibo sa Covid-19 sa lalawigan ng Zambales, ani Eisma.

These positive cases—the first from San Antonio, Zambales and the second from another town, also in Zambales—only make it imperative for all of us to STRICTLY OBSERVE HOME QUARANTINE so that we can, in our own little way, help in NOT straining the local health care system any further and, thus, in saving lives, dagdag pa ni Eisma.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?