4,976

By

Ospital sa China napuno ng pasyenteng may coronavirus

Isang video ang kumalat sa social media kung saan makikita ang teribleng sitwasyon ng mga ospital sa Wuhan City, China.

Ang Wuhan ang pinagmulan ng bagong virus na kumitil na ng may 17 katao at nakarating na rin sa iba’t ibang bansa.

Ayon sa netizen na si @xinyanyu, nanggaling ang video sa isang group chat.

Mapapanood dito ang overcrowded na ospital dahil sa mga tinamaan ng misteryosong virus.

Nakadagdag din ang mga concerned citizen na naghihintay ng resulta ng test sa kanila kung nadapuan sila ng coronavirus.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?