59

Jan 4, 2022 @ 19:00
By

Ospital ng Malabon naka-lockdown pa rin dahil sa pagdami tauhang may Covid

Nasa ilalim pa rin ng lockdown ang Ospital ng Malabon dahil sa patuloy na pagdami ng mga tauhang nahawaan ng COVID-19.

Sinabi ng Local Government Unit ng lungsod, umakyat na sa 66 ang bilang ng mga nahawaan ng COVID-19 sa mga health personnel ng ospital.

Nauna nang inanunsyo ng ospital na pansamantalang ititigil ang pag-admit ng mga non-COVID npatient para magsagawa ng disinfection mula Enero 2 hanggang 4.

“Ang mga outpatient and non-COVID cases ay maaaring magtungo sa Super Health Center sa Barangay Catmon. Makipag-ugnayan sa Malabon Command Center sa numerong 0942 372 9891 or 0919 062 5588,” saad sa advisory.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?