14

Jan 12, 2022 @ 13:01
By

Ospital ng Malabon magbubukas na para sa non-Covid, outpatient

Tumatanggap na ngayon ang Ospital ng Malabon (OSMAL) ng mga non-COVID-19 at outpatient na mga kaso simula Enero 12.

Ayon sa pahayag ng OSMAL sa Facebook, maari ring mag-walk-in ang mga nasa 36 week nang buntis mula Lunes, Martes, Miyerkules, at Biyernes.

Magpapatupad din ang ospital ng cut-off dahil sa patuloy na pag-quarantine ng mga health worker na tinamaan ng COVID-19.

Samantala, ayon sa datos ng ospital, 93 kawani ng OSMAL ang nagpositibo sa coronavirus; 67 dito ang nakarekober na habang patuloy pa ring nagpapagaling ang iba dito.


(Sherrylou Nemis)

Erik Santos bigong maging dyowa si Angeline Quinto

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?