21

Jan 9, 2021 @ 21:13
By

Ospital nasunog, 10 sanggol patay

Sampung bagong panganak na sanggol ang nasawi sa sumiklab na sunog sa isang ospital sa India nitong Sabado.

Sa ulat ng CNN, nasunog ang Sick Newborn Care Unit (SNCU) sa Bhandara district, Maharashtra kung saan pitong sanggol naman ang na-rescue ng mga bumbero.

Sanhi ng sunog ay short circuit sa SNCU habang nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

Samantala, pinagluksa ni Indian Prime Minister Narendra Modi ang insidente.

“Heart-wrenching tragedy in Bhandara, Maharashtra, where we have lost precious young lives. My thoughts are with all the bereaved families. I hope the injured recover as early as possible,” tweet niya nitong Sabado.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?