36

By

OSG, pinagkokomento sa petisyon vs ikatlong Martial Law extension

Inatasan ng Korte Suprema ang Office of the Solicitor General (OSG) na magkomento sa panibagong mga petisyon kaugnay ng ikatlong extension ng Martial Law sa Mindanao.

Partikular ang mga petisyon na inihain ng Makabayan Bloc ng Kamara at ni dating Comelec Chairman Christian Monsod.

Una na ring naghain ng petisyon kontra Martial Law extension ang Magnificent 7 ng Kamara sa pangunguna ni Albay Cong. Edcel Lagman.

Kahapon, nagdesisyon ang Korte Suprema na pag-isahin na lamang ang tatlong petisyon na inihain ng tatlong grupo.

Sa Enero 29 itinakda ng Supreme Court ang oral arguments sa nasabing mga petisyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?