20

May 4, 2021 @ 22:15
By

OSG: Gobyerno ‘di sangkot sa ‘red-tagging’

Dinepensahan ng Office of the Solicitor General (OSG) nitong Martes ang pamahalaan tungkol sa mga alegasyon na ang gobyerno ang nasa likod ng ‘red-tagging’ ng mga nag-oorganisa ng mga community pantry.

Sa gitna ng oral arguments sa anti-terror law, binanggit ni Assistant Solicitor General Marissa Dela Cruz-Galandines sa Korte Suprema na hindi sangkot ang gobyerno sa ‘red-tagging.’

Sa halip, tinuro ni Galandines ang mga makakaliwang grupo na umano’y nag-imbento ng terminong ‘red-tagging.’

“The government would not like to use the term ‘red-tagging.’ Because red-tagging is a term that was not coined by the government. If I may say this, the term ‘red-tagging’ was used by the leftists,” ani Galandines.

Dagdag pa niya, hindi ‘red-tagging’ ang ginagawa ng gobyerno sapagkat nakasalig umano ang pagkilos ng pamahalaan sa kung ano ang totoo.

“It is the submission of the government that what it does is truth-tagging, and not red-tagging.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?