42

Dec 12, 2017 @ 19:22

Oscar Pistorius sugatan matapos gulpihin sa kulungan

Sugatan si dating Paralympic champion at convicted murderer na si Oscar Pistorious matapos gulpihin ng kapwa preso dahil sa away sa paggamit ng public phone.

Ayon sa report, ang double amputee na si Pistorious, nagsisilbi ng kanyang 13-taong pagkakakulong dahil sa pagpatay sa kasintahang si Reeva Steenkamp, ay nagtamo ng mga sugat at pasa sa mukha at katawan matapos makipagsapakan sa isa pang preso.

Sinabi sa report na nagalit ang ibang mga preso kay Pistorius dahil mahabang pakikipag-usap nito sa telepono.

Si Pistorious ay inilipat sa kulungan para sa mga presong may kapansanan noong Nobyembre 2016.

Dinagdagan ng Supreme Court of Appeal ng bansang South Africa ang murder sentence ng dating Paralympian na si Oscar Pistorius.

Nabatid na naging 13 taon at limang buwan ang sentensya ni Pistorius mula sa orihinal na anim na taon.

Ayon sa korte, naging mababaw lamang umano ang naunang hatol sa atleta na nag-ugat sa ginawa nitong pagpatay sa kanyang girlfriend na si Reeva Steenkamp noong Valentine’s Day noong 2013.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?