5

Sep 27, 2020 @ 22:18
By

Osaka out sa French Open

Absent si Naomi Osaka sa French Open.

Pagkatapos ikahon ang pangalawa niyang US Open title sa kaagahan ng buwan, pahinga muna ang Japanese star.

Sa halip na bumiyahe sa Paris, naisip ni Osaka na mag-bikini muna at magpaaraw.

Hindi binanggit ng three-time grand slam champion kung nasaan siya, pero kuha sa tabi ng pool ang larawan na pinost niya sa Instagram nitong Linggo.

Naka-yellow bikini, may pa-grapes pa sa tabi.

“It’s always sunny in…” pabitin na caption ng 22-year-old, naka-tag ang rapper boyfriend na si Cordae.

Noong isang araw ay pumalo na ang women’s singles tournament sa Roland Garros.

Isang linggo bago ang start, kinumpirma ni Osaka na hindi siya sasali para ipahinga ang nananakit na hita.

“Unfortunately I won’t be able to play the French Open this year,” ani Osaka. “My hamstring is still sore so I won’t have enough time to prepare for the clay.”

Masyadong magkalapit ang US Open at French Open dahil sa postponement o delays ng mga laro bunga ng coronavirus.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?