47

Jan 26, 2019 @ 20:39
By

Osaka bagong reyna sa Australian Open

Nakumpleto ni Naomi Osaka ang back-to-back Grand slam title sa kanyang pagsungkit ng Australian Open trophy matapos pataubin si Petra Kvitova sa Rod Laver Arena sa Australia.

Kinailangan ni Osaka na makabangon mula sa nakapanlulumong second set para itakas ang 7-6 (7-2) 5-7 6-4 panalo kontra sa Czech counterpart.

Dahil sa panalo, si Osaka na ang pinakabatang world ranked number 1 sa women’s tennis, kasunod ni Caroline Wozniacki noong 2010.

Siya rin ang sumunod sa yapak ni American netter Jennifer Capriati na nakakuha agad ng Grand Slam title matapos ang unang tropeo.

“Huge congrats to you Petra. I’ve always wanted to play you. I wouldn’t have wanted this to be our first match but I’m hugely honoured to have played you,” saad ni Osaka matapos igawad ang tropeo.

Si Kvitova ay nagsilbing inspirasyon matapos muling nakabalik sa major stage nang masaksak noong 2016 dahil sa isang magnanakaw.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?