116

Oct 27, 2018 @ 15:28
By

Ortiz, Adorador, Rosario kikinang sa bagong Foton

Bagong Foton Tornadoes ang masasaksihan sa Philippine Superliga All-Filipino Conference na magsisimula sa Martes sa FilOil Flying V Centre.

Pangungunahan ang Foton ng rookie coach na si Aaron Velez, na ipaparada ang kanyang mga tropa sa prestihiyosong torneong ito.

Ayon kay Velez, ang pagkawala ng kanilang mga star player na sina Jaja Santiago at Dindin Manabat ay isang magandang pagkakataon sa iba pang manlalaro gaya nina Maika Ortiz, Shaya Adorador, CJ Rosario, Mina Aganon, Bea De Leon at bagong dagdag na si Arianne Layug para patunayan ang kanilang sarili.

Isang pagkakataon din ito para sa iba pa gaya nina Iumi Yongco, Gyselle Sy, Carla Sandoval, Gen Cagusod, Rainne Fabay, Ivy Perez, Jen Reyes at Kathleen Barrinuevo.

“Their (Santiago sisters) absence will give other players a chance to step up,” wika ni Velez.

“With Jaja and Dindin out, we will have a new look in the All-Filipino. We will not be relying on one or two players alone as other players are expected to step up and contribute.”

Nakatakdang sumabak ang magkapatid na Jaja at Dindin sa V.Premier League sa Japan sa susunod na buwan.

Malaki ang inaasahan sa Foton sa torneong ito na pinangalan na isa sa 10 finalist sa Best Women Sports Event category in the PSIA Asia Awards sa susunod na buwan.

Matapos ang pang-angat nito sa Grand Prix Conference noong 2015 at 2016, nag-iba ang landas ng Tornadoes ng magtapos sila sa third place sa nasabing conference ngayong taon at bumagsak sa ikapitong pwesto sa Invitationals, at nagpalit agad ng coach sa kalagitnaan ng torneo.

Aminado naman si Velez na mataas ang pressure para sa kanya dahil kailangan niyang patunayan ang sarili kontra sa mga champion coach gaya nina George Pascua ng Sta. Lucia, Moro Brasnilav ng Cocolife, Ramil de Jesus ng F2 Logistics at Shaq Delos Santos ng Petron.

“Sure, there is pressure. But I’m ready to deal with it. I embrace the challenge and we’re ready to compete.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?