65

By

Orlando Sol ‘di makapaniwalang nanalo sa Star Awards for Music

Sharing is caring!

Ipinahayag ng singer/actor na si Orlando Sol ang labis na kagalakan nang manalo sa katatapos na Star Awards for Music ng Philippine Movie Press Club (PMPC).

Nakamit ni Orlando ang Music Video of the Year para sa kanta niyang ‘Kailan Darating Ang Ayoko Na’. Ang naturang music video ay mula sa direksiyon ng namayapang mentor/manager niyang si Direk Maryo J. delos Reyes.

Sa kanyang FB post, ipinahayag ni Orlando ang labis na kasiyahan.

Eto na.. Panalo na talaga!!
hndi parin ako makapaniwala…
Thankyou Almighty God for this wonderful blessing . it’s all for your glory Almighty God.iloveyou Almighty God❤️..to my family ,sa inspirasyon ko sa buhay ang dalawang prinsesa ko Anika&Winter,sa STARMUSIC, sa mga co-actors ko ,Blumark Roses,CaTheRinE Remperas, Rubylyn Maik Sa aking composer Jerwin Nicomedez at higit sa lahat ang taong naniwala sa akin, sa aking talento, my Mentor , my Friend, ang aking Ama sa industryang ito Direk Maryo J. Delos Reyes .. Ang parangal na ito ay para sayo.. Thankyou direk Maryo J. Delos Reyes for always being there for me kahit nanjan kana sa heaven with tito Joaquin Jake Tordesillas kasama c Almighty God. At Sa lahat ng tumulong to make this project possible salamat po at Sa lahat ng sumuporta at nagdasal salamat po..sa bumubuo ng PMPC Thankyou PMPC STAR AWARDS for MUSIC… to God be All the glory

Sa panayam namin sa kanya, sinabi ni Orlando na hindi pa rin siya makapaniwala sa napanalunang award.

“Until now hindi pa rin ako makapaniwala na ako yung nanalo. Pakiramdam ko nasa cloud 9 ako, lalo na yung moment na tawagin yung pangalan ko and song ko.

“Kakaibang feeling pag-akyat sa stage.., nakakakaba, kahit ikaw na yung nanalo kinakabahan ka pa rin,” nakangiting sabi niya.

Patuloy pa ni Orlando, “Hindi ko talaga ini-expect na yung music videoserye ko ang mananalo, sa rami ng magagaling na artist na nominated.

“Ginagabayan pa rin ako ni Direk Maryo sa laban ko, sa career ko. Si Direk Maryo, he is always in my heart,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?