128

Oct 17, 2019 @ 15:27
By

Orionids meteor shower iilawan ang langit – PAGASA

Basta manipis o walang tatakip na ulap, mae-enjoy ng mga Pinoy ang Orionids meteor shower sa kalangitan ngayong Oktubre.

Inanunsiyo ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) na masisilayan ang Orionids mula Oktubre 17 hanggang 25, na may peak activity sa Oktubre 21 at 22.

15 meteor kada oras ang maximum na matatanaw sa langit, dagdag ng Pagasa.

Kinlaro naman ng ahensiya na makararanas pa rin ng paghumpay sa meteor shower kahit peak night.

“The Earth is passing through the stream of debris left behind by Comet Halley, the parent comet of the Orionid shower,” paliwanag ng weather bureau.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?