34

Oct 16, 2021 @ 21:37
By

Orionid meteor shower kikinang simula Linggo

Masisilayan ang Orionid meteor shower sa kalangitan simula bukas, Oktubre 17 hanggang 25 ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ayon sa PAGASA, nasa 15 bulalakaw kada oras ang maaaring makita kung maganda ang lagay ng panahon.

Ang peak nights umano ay sa Oktubre 21 at 22.

“Unfortunately, the bright Moon will interfere with the observations of fainter meteors,” dugtong pa ng PAGASA.

Ang Orionid meteor shower umano ay dulot ng pagdaan ng Earth sa debri na iniwan ng Halley’s comet.

Pinaka-makikita rin umano ang meteor shower pagkalipas ng hatinggabi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?