true-religion

‘Orig’ na True Religion jeans ni Bato, bigay lang ng kapatid

Sharing is caring!

Inamin ni Bureau of Corrections chief Ronald “Bato” Dela Rosa na orihinal ang suot niyang pantalon na True Religion nang bisitahin niya ang New Bilibid Prison nitong nagdaang linggo.

Sa panayam ng ANC, sinabi ni Dela Rosa hindi naman niya binili ang naturang pantalon kundi bigay lang sa kanya ng kanyang nakababatang kapatid na isang pulis sa Las Vegas.

“Yung suot ko na ‘yun original ‘yun. Hindi ‘yun fake. Hindi ko binili, bigay ng aking kapatid na pulis sa Las Vegas. ‘Yung bahay niya malapit lang sa outlet,” pahayag ni Dela Rosa.

Subalit nilinaw nitong hindi P25,000 ang halaga ng kanyang pantalon kundi P5,000 lamang.

“Less than $100 lang ‘yun o $100 so more or less P5,000 lang ‘yun,” ayon pa dito.

Sabi pa ng dating PNP chief, marami siyang True Religion jeans sa kanyang bahay subalit nabili lang umano niya iyon sa Greenhills Shopping Center.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?