282

Jul 28, 2021 @ 8:32
By

Orestes Ojeda pumanaw na

Pumanaw na ang ’70’s film icon na si Orestes Ojeda sa edad na 68 nitong Martes.

Kinumpirma ito ng kanyang anak na si Lois Nicole Pagalilauan.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, sumakabilang-buhay ang aktor alas-4:30 ng umaga kahapon dahil sa “cancer in the pancreatic region.”

“We’ve been fighting it since last May. He’s been in and out of the hospital until his situation deteriorated this month,” ani Lois.

“Thank you for all the messages of sympathy. It’s all been touching and overwhelming,” pagpapatuloy niya.

Kasalukuyang inaayos na ang burol ng aktor na gaganapin sa The Heritage Park sa Taguig sa Sabado.

Kilala si Ojeda, Luis Pagalilauan sa tunay na buhay, sa mga ‘70s’ movie na “May Isang Tsuper ng Taxi,”“Isang Gabi,” Tatlong Lalaki,” at “Ang Boyfriend Kong Baduy.”

Kasama rin ang aktor sa pelikulang “Manila by Night” ni Ishmael Bernal at “Scorpio Nights” ni Peque Gallaga.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?