30
de-la-salle
By

Orendain, Canizares, Parpan umasinta

Pumana ng magkahiwalay na panalo sa singles event sina Betto Orendain, LA Canizares at Kyle Parpan upang akbayan ang De La Salle sa 4-1 panalo kontra University of the Philippines kamakalawa sa men’s division ng UAAP Season 80 lawn tennis tournament sa Rizal Memorial Tennis Center.

Tinaob ni Orendain si Kyle Joseph, 6-4, 6-0, kinalos ni Canizares si Joshua Cano, 6-2, 7-6 habang nagwagi si Parpan kay Joel Atienza, 6-3, 6-1 upang kumpletuhin ng Green Tennister ang singles sweep.

Kasalo ng Taft-based squad DLSU sa second place ang Ateneo na pinagpag ang University of Santo Tomas, 3-2.

Parehong tangan ng Blue Eagles at Green Tennister ang 3-2 karta.

Pahirapan ang panalo nina Qoqo Allian at Jonah matapos payukuin ang duo nina Vincent Alanis at Auden Paduganan, 6-4, 6-4 sa first doubles para sa Green Tennisters.

Hindi nabokya ang Fighting Maroons, nanalo ang tandem nina Elijah Arevalo at Mimo Tomacruz laban kina Hans Asistio at Raphael Teng, 6-4, 7-6 sa second doubles.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?