119

Dec 16, 2017 @ 17:29
By

Ordinansa vs ‘habal-habal’, binuhay sa Makati

Makalipas ang walong taon, animo’y ginising ni Makati City Mayor Abby Binay ang isang ordinansa na nagbabawal ng operasyon ng ‘habal-habal’ sa lungsod.

Ipinag-utos ni Binay sa mga local traffic enforcer na hulihin ang mga ‘habal-habal’ operator sa lungsod matapos malaman na nagpapatuloy ang operasyon ng mga ito sa kabila na rin ng pagpapatigil ng LTFRB sa motorcycle-taxi na Angkas.

Nais din ng opisyal na higpitan ang pagbabantay sa mga ‘colorum’ sa mga lansangan ng lungsod sa katuwiran na nalalagay sa panganib ang mga pasahero.

Nabanggit din ni Binay ang kanyang pagtataka na sa 6,140 traffic violators na nahuli ng mga tauhan ng kanilang Public Safety Department simula noong Enero, 227 lang ang ‘habal-habal’ at colorum.

Giit nito, ang mga four-wheeled vehicles na pumapasada sa Makati City ay kinakailangan na may certificate of public conveyance mula sa LTFRB, samantalang ang two- and three-wheeled vehicles ay kailangang may permit to operate mula sa pamahalaang lungsod.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?