Nilimitahan ni Cavite Governor Jonvic Remulla ang oras para sa karaoke at videoke activities sa probinsya.
Sa kanyang tweet, sinabi ni Remulla na limitado mula alas-5 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi ang pagka-karaoke at pagbi-videoke sa lalawigan.
Maaaring pagmultahin ng P1,000 at pagkakulong ng hanggang 30 araw ang sinumang lalabag.
Epektibo ito “immediately”.
Inilabas din ni Remulla ang buong ordinansa kaugnay sa daytime banning ng karaoke/videoke at iba pang amplified audio devices sa Cavite.
Here’s the full ordinance for your reference re: Daytime banning of karaoke/videoke and other amplified audio devices within Cavite Province. Kindly RETWEET & SHARE. Thank you. pic.twitter.com/QT6sQj1o9e
— Jonvic Remulla (@jonvicremulla) October 12, 2020