54
Oras ng botohan, hindi na ie-extend ng Comelec
By

Oras ng botohan, hindi na ie-extend ng Comelec

Walang nakikitang rason ang Commission on Elections (Comelec) para palawigin ang oras ng botohan sa kabila ng mga pagkaantala sa ilang polling precinct nationwide.

“There is no need for additional voting hours because the voting hours are already flexible. That extension is not being talked about now,” saad ni Comelec Spokesperson James Jimenez.

Nilinaw naman ni Jimenez na iyong nasasakop ng 30 metro malapit sa polling precinct ng alas-sais ng gabi ay papayagan pa ring makaboto.

Aniya, ang magbebenepisyo lang umano sa pag-extend sa voting hours ang iyong mga late.

“Come on, do you really want to reward those who come late? Look, na-delay tayo. Pero ‘pag andiyan ka na, andiyan ka na. Magtutuloy-tuloy ang proseso para sa ‘yo, no matter how long it is,” dagdag pa ni Jimenez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?