16

Orange rainfall ibinababala sa Metro Manila, Rizal

Sharing is caring!

Naglabas ang PAGASA kanina ng orange rainwall warning signal sa buong Metro Manila at lalawigan ng Rizal.

Dahil dito, inaasahan ang matinding pag-uulan sa mga nabanggit ng lugar bunsod ng habagat na pinalakas ng Tropical Storm Karding.

Ang patak ng ulan ay may sukat na 15-30 mm kada oras.

Inabisuhan ang mga residente na mag-ingat sa posibleng pagbaha sa mga mababang lugar at iyong malapit sa mga river channel.

Nauna nang nagbaba ng yellow warning signal sa Bataan, Bulacan at Northen Quezon.

Ang mga nabanggit na lalawigan ay makakaranas na malakas na pag-ulan na may sukat na 7.5 hanggang 15mm kada oras.

Ang mga lalawigan naman ng Zambales, Tarlac, Nueva Ecija Pampanga, Laguna, Cavite, Batangas ay makakaranas din ng mababa hanggang katamtamang pag-ulan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?