31
views

By

Oral arguments sa pagkalas ng PH sa ICC, inilipat ng ibang petsa

Sharing is caring!

Iniurong ng Korte Suprema ang petsa ng pagdaraos ng oral arguments sa mga petisyong kumukuwestiyon sa pagkalas ng Pilipinas sa Rome Statute of the International Criminal Court (ICC).

Sa isang pahinang notice of the en banc na pirmado ni Supreme Court En Banc Clerk of Court Atty. Edgar Aricheta, mula sa orihinal na petsa na Hulyo 24, inilipat ang oral arguments sa Agosto 7.

Kaugnay nito, nagtakda ang Korte Suprema ng preliminary conference para sa nasabing pagdinig at ito ay sa Hulyo 31 kung saan pinadadalo ang mga abogado ng lahat ng partido sa kaso.

Iniutos rin ng Korte Suprema sa mga respondent ang pagsusumite ng komento sa petisyong inihain ng mga opposition senator sa pangunguna ni Senador Francis Pangilinan.

Kasama sa mga respondent sina Executive Secretary Salvador Medialdea, Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano at Philippine Ambassador to the United Nations Teodoro Locsin. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?