26
cat1
Jun 19, 2018 @ 18:56
By

Oracle Cat ng Russia, 2 tamang prediksiyon

Hindi pahuhuli ang Russia kung mga pahulaan din lang ng resulta sa World Cup gamit ang mga animal ang usapan.

Noong 2010, sumikat si Paul the Oracle Octopus dahil habang nasa lungga niya sa Germany ay tagumpay na hinulaan ang mananalo sa walong matches sa Africa, kabilang ang semifinal loss ng Germany sa Spain, at ang panalo ng Spain sa Holland sa final.

Tamang hula sa walong matches, tulad ng bilang ng kanyang galamay.

Estilo ni Paul, bibigyan siya ng pagpipiliang boxes na may mussels (tahong), bawat box ay may bandera ng magkalabang bansa. Ang pipiliin niyang box para kainin ang tahong, ‘yun ang prediksiyon niyang mananalo.

Ngayong 2018 World Cup sa Russia, umeeksena naman si Achilles the Cat na nasa pangangalaga ng Hermitage Museum sa St. Petersburg. Siya raw ang animal oracle ng FIFA World Cup.

Snow-white cat si Achilles, pero bingi kaya kahit maraming nanonood sa kanyang predictions, hindi siya nabubulabog.

Bibigyan ng dalawang bowls si Achilles, parehong may bandera ng magkalabang bansa. Kung kaninong bowl siya kakain, ‘yun ang kanyang prediksiyon.

Nakadalawang tumpak na hula na si Achilles – sa 5-0 win ng Russia sa Saudi Arabia, at 1-0 victory ng Iran kontra Morocco.

Pahuhulaan ulit sa kanya ang mananalo sa Russia-Egypt match nitong Martes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?