oprah

Oprah, ayaw ng mga Amerikano na tumakbong presidente

Sharing is caring!

Karamihan sa mga Amerikano ay ayaw tumakbo bilang US President si Oprah Winfrey kahit pa malaki ang tiyansa nitong matalo si President Donald Trump, ayon sa isang poll nitong Biyernes.

Matatandaang umani ng espekulasyon ng pagtakbo sa eleksiyon ng bilyonaryang host matapos ang mala-kampanyang talumpati nito sa nakaraang Golden Globe Awards.

Sa ulat ng AFP, lumabas na 64 porsiyento ng respondents ang pabor kay Winfrey kabilang ang 43% na tagasuporta ni Trump, ayon sa survey na isinagawa ng NPR, PBS NewsHour at Marist.

Pero nang tanungin ang mga ito kung gusto nilang tumakbo ang talk show host sa 2020 elections, 35 porsiyento lang ang nagsabing “oo”. Majority ay ayaw siyang tumakbo na 54% habang 11% ang hindi sigurado sa isasagot nila.

Kung sakali namang gawin ang presidential elections ngayon, 50 porsiyento ng rehistradong botante ang boboto kay Winfrey bilang Democrat. 39% lang ang kay Trump.

Isinagawa ang survey sa 1,350 adults nitong linggo, matapos mag-trending ang talumpati ni Oprah.

May margin of error na 2.7% at 3% sa registered voters.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?