By

Opposition senators kay Duterte: Ipaglaban mo ang West Philippine Sea

Sharing is caring!

Iginiit ng mga senador buhat sa oposisyon na ipaglaban ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagmamay-ari ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).

Sa joint statement nina Senate Minority Leader Franklin Drilon, Senador Kiko Pangilinan, Senador Bam Aquino at Senador Antonio Trillanes, ipinaalala kay Duterte na naipanalo na ng Pilipinas kontra sa China ang WPS.

Tinukoy ang deklarasyon ng United Nations Arbitral Tribunal na hindi sakop ng “nine-dash line” ng China ang WPS.

Sinabi rin ng mga senador na hindi dapat kaligtaan na bago ang nasabing desisyon ng Tribunal, inangkin na ng China ang WPS at hindi na makapunta roon ang mga mangingisdang Pilipino.

“Since before the decision, China has been taking our food. It’s been taking our fish. The government, in behalf of the Filipino people, and especially our fisher folk, should enforce this decision so that our fisher folk can go back to this maritime space and fish,” pahayag ng apat na senador.

Ayon sa mga senador, maaaring gamitin ng Pilipinas ang pagiging chairman nito ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) para makatulong nito ang mga kaalyado at kaibigang bansa upang maprotektahan ang teritoryo nito mula sa pagkubkob ng China.

“We suggest that the government use its ASEAN chairmanship to rally our allies and friends to this end — for our people, for our fisher folk,” dagdag pa nila.

Ang teritoryo na inaangkin ng China ay may lawak na 381,000 square kilometers, mas malaki pa sa land area ng Pilipinas na 300,000 square kilometers.

Bukod sa mga isda at marine resources, pinaniniwalaang mayaman ang WPS sa langis, gas at iba pang mineral.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?