57

Oct 27, 2017 @ 15:44

Oposisyon ‘di tatahimik kahit iugnay sa drug lords – Kiko

Hindi titigil ang oposisyon sa pagpuna sa administrasyong Duterte kahit tinatangkang iuugnay ang mga lider nito sa mga drug lord.

Ayon kay Senador Kiko Pangilinan, pangulo ng Liberal Party, kailangan nilang magsalita kung may nakikita silang mali sa pamamalakad sa bansa.

Tugon ito sa sinabi ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na iimbestigahan nila ang alegasyon na protektor sina Senate Minority Leader Franklin Drilon at dating Interior Secretary Mar Roxas ng napatay nang drug lord sa Visayas na si Melvin Odicta.

“Hindi po ito magpapatahimik sa oposisyon. Dapat magsalita at isiwalat ang hindi tama,” giit ni Pangilinan.

Matatandaang isang Ricky Sereno na umano’y karibal ni Odicta sa Visayas ang nagdawit kina Drilon at Roxas kay Odicta. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?