198

Apr 23, 2021 @ 17:06
By

OPM legend Victor Wood pumanaw na

Sumakabilang-buhay na si Victor Wood, isa sa pinakasikat na OPM singer noong dekada 60s at 70s.

Siya ay edad 74.

Sa report ng ABS-CBN, isinugod ang mang-aawit sa ospital matapos atakihin ng asthma.

Nalaman na may COVID-19 si Wood at nasawi sa New Era General Hospital.

Nakilala si Victor Wood bilang ‘Jukebox King’ dahil sa mga kanta nitong tumatak sa masa.

Kasama na rito ang mga hits tulad ng ‘Release Me’, ‘Mr. Lonely’ at ‘Crying Time’.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?