316

Oplok

Sharing is caring!

By Bruce Rivera

May salitang Bisaya na ‘oplok’. Ang ibig sabihin nito ay ‘yung tao na mahilig kumuha nang kumuha pero walang binibigay. Sila ‘yung mga una among makikita sa victory party, libreng pakain at sa pila sa libreng giveaways.

Sila ‘yung nakikita mong nagpapa-picture sa sikat at mga mabango ang pangalan. Sila ‘yung kaibigan ang sino mang magbibigay sa kanila ng pera, atensyon at katanyagan. Pero hindi mo sila makikitang nagbibigay. Kuha lang sila nang kuha, tanggap lang nang tanggap at kung wala na silang mahihita sa iyo, sila pa ang galit.

Sila ang unang babatikos sa iyo at madali nilang gawin ‘yun lalo kung iniisip nila na makakalibre na naman sila sa bagong mahuhuthutan nila.

Andaming nag­lipang ganyan sa Pilipinas at sa buong mundo.

Deretsong usapan. May mga oplok din na tagasuporta ni President Duterte. May mga mabubuti din namang dilawan na hindi maingay kaya ‘di natin napapansin. At mas galit ako sa mga oplok na nag-aanyong kakampi kaysa doon sa mga katulad nila na nagpapakilalang kalaban.

Kasi nakikita mong kalaban sila, may paghanga ako sa pagpapakatotoo nila. May dignidad ang harapang pagsalu­ngat kaysa palihim na paninira.

Marami sa mga anay ng samahan ay galit sa akin nga­yon. Kasi ang totoo, wala akong respeto sa kanilang ginagawa. Pero hindi ko naman makayang magalit sa mga taong nakikinig sa kanila.

Naloko tayo ng mga dilaw nang halos 30 na taon at ngayon lang tayo nagising. Kaya madami sa atin ang mada­ling mabola sa salita ng mga lintang nagpapanggap na dakila.

Ang maagang pamumulitika lang ang paraan para makakulimbat ng anda ang mga dakilang oplok dahil hindi naman sila kumikita sa kanilang sariling brilyo.

Kailangan nilang sumipsip at gumawa ng eskandalosong isyu para maging ma­kabuluhan. At ang mga kawawa na­ting mamamayan ang ginagalit nila dahil kung mawawala ang galit sa masang Pilipino tapos ang raket nila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?