By

Oplan Tokhang, balik na ngayong buwan – PNP

Sharing is caring!

Ikakasa na muli ng Philippine National Police (PNP) ang Oplan Tokhang ngayong buwan.

Ayon kay PNP Chief Ronald ‘Bato’ dela Rosa, nagbigay na siya ng pahintulot sa mga lider ng pulisya sa buong bansa na nitong Lunes ay ilunsad na muli ang Oplan Tokhang.

Hinihintay na lang na matapos ang gagawing pagpupulong ng mga miyembro ng PNP Oversight Commitee na naatasang magtiyak kung tama ang ipatutupad na ‘Tokhang’.

Iginiit naman ni Bato na hindi magiging madugo ang ilulunsad nilang ‘TOKHANG’ lalo’t bloodless naman daw talaga ang konsepto nito.

Pagkatok at pakiusap lang naman kasi aniya dapat ang ginagawa sa ‘Tokhang’ at walang maaaresto kung wala namang naaktuhang gumagawa ng iligal.

Iginiit din ni Bato na hindi nila hahayaan na malusutan muli ng mga tiwaling pulis na nanghihingi ng pera sa mga drug personalities habang nagbabahay-bahay para matanggal ang pangalan sa drug watchlist.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?