36

Oct 11, 2021 @ 14:18
By

‘Oplan Tokhang 2’ itutuloy ni Bato kung manalong presidente

Kung palaring manalo sa kanyang pagtakbo sa pagka-pangulo sa 2022, inihayag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa na kanyang itutuloy ang “Oplan Tokhang,” ang programa kontra iligal na droga ng administrasyong Duterte.

Subalit agad naman nilinaw ni Dela Rosa, ang arkitekta ng anti-drug war noong siya ang hepe ng Philippine National Police (PNP), na kanyang “Oplan Tokhang” ay iba sa extrajudicial killings (EJKs).

“Of course tuloy yan. But of course hindi naman tayo magbibingi-bingihan dun sa mga suggestion, sa mga recommendation how to make it work very good,” pahayag ni Dela Rosa online interview ng mga reporter.

Aniya, bukas naman siyang makinig sa mga rekomendasyon para mapagganda pa ang kampanya ng gobyerno laban sa iligal na droga.

“Hindi naman pwedeng pag sinabi mong ganun pa rin ang gawin natin, ganun pa rin ang mangyayari, walang pagbabago. Meron yan of course, dahil nakikinig tayo sa pulso ng baya,” sabi ni Dela Rosa.

Iginiit naman nitong maganda ang intensiyon ng Oplan Tokhang subalit nabahirapa lang dahil ikinonekta sa EJK.

“Kasi kayo, karamihan sa mga tao dito ay ini-equate n’yo ang Tokhang to EJK. Pag sinabi nyong Tokhang, EJK kaagad ang iniisip nyo. Mali po yung iniisip nyo. Tokhang is different from EJK,” saad pa ng senador.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?