0
views

By

Oplan Kalusugan inilunsad ng DepEd

Sharing is caring!

Pinangunahan ng Department of Education (DepEd) ang national launching ng “Oplan Kalusugan” sa Pembo Elementary School sa Makati ngayong araw.

Dumating sa paaralan sina DepEd Sec. Leonor Briones at Undersecretary for Administration Alain Del Pascua para siguruhing napagkakalooban ang mga bata ng basic primary health at dental care.

Ang Oplan Kalusugan o OK ay kapapalooban ng pagsasagawa ng school-based feeding program; drug education campaign; adolescent reproductive health education program; water, sanitation and hygiene program; at medical, dental, and nursing services.

Ilan sa aktibidad ng “OK” ang “One Health Week” kung saan maglalatag ng health activities sa mga paaralan. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?